ANG ERASERHEADS

May bagong blog na naman si Kuya Xavier!
Kamusta na kaya ang reunion gig?
Ang video na naka-embed sa blog ni Kuya Xavier ang talagang kumuha ng mga mata ko.
Pero binasa ko muna yung buong blog bago ko pinanood yung video.
At OH MY GOD!
Katatapos pa nga lang ng timer, bumilis ang pintig ng puso ko!
At nung narinig ko ang intro ng Alapaap, tumindig ang balahibo ko!
Nung kumakanta na si Ely, muntik na akong umiyak!
At video pa lamg yun mga kababayan!
Di ko talaga matanggap na wala ako dun.
Kung marami lang akong pera, pupunta talaga ako dun kahit na hindi na ako magpapaalam sa mga magulang ko.
kahit magkano, babayad ako para makapasok dun sa VIP area o sa SVIPAI area (Super VIP As In - sabi pa ni Kuya Xav)

Hmm.. Mararamdaman nyo kaya ang naramdaman ko?
Para sa mga kaibigan kong hindi kaibigan ni Kuya Xavier sa multiply na wala sa reunion gig ng ERASERHEADS, panoorin nyo to..



Naku. Di ko makopya yung mismong embed ni Kuya Xavier. Nakplaylist na kc yun eh.
14 videos yun. Pano ko kaya mahanap yun lahat at gawan pa ng playlist. Eh tinatamad na ako. Ibibigay ko na lang yung link sa blog na yun.

http://stainedshirt.multiply.com/journal/item/803/Ang_Hindi_Pa_Huling_El_Bimbo

0 comments:

Post a Comment

"i dont care what you say" ^_^